Sunday, February 7, 2010

“The old dreams were good dreams...10 years na KAMI!

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba...
Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang Mangarap at tumula
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ngayon ikaw ay nagbalik...
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na Saan hahanapin pa?
Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?